POLL

POLL: Royal Blood: Sino ang kasabwat ni Margaret?

Si Margaret ang pumatay kay Gustavo Royales!

Noong Lunes (September 18), nagsagawa ng entrapment ang mga pulis at si Napoy para mahuli na ang pumatay kay Gustavo. 

Sa harap ng mga Royales, sinabi ni Sgt. Masangkay (Geraldine Villamil) na may nakitang bakas ng lason at wine sa syringe na ipinadala sa kanila na nagma-match sa nakita sa autopsy ni Gustavo. Dagdag pa nito, may nakita ring fingerprints sa hawakan ng syringe na nangangahulugang malalaman na nila kung sino ang pumatay kay Gustavo. 

Sa pagsunod sa bawat kilos ni Margaret, dito na nahuli ni Sgt. Masangkay ang pagkuha nito ng isang syringe mula sa vault nito. Sa kabila ng pagtanggi ni Margaret noong una na hindi ito ang murder weapon na hinahanap ng mga pulis, kalaunan ay inamin din nito na siya ang pumatay kay Gustavo.  

Pero si Margaret, may kasabwat umano sa pagpatay kay Gustavo. Sino kaya ito?

Poll Inside Page


Polls

Royal Blood




VOTE: Sino ang gusto mong maging 'The Voice Kids' winner?
'Love You So Bad' Poll: Are you Team SaVic or Team LaVan?
POLL: PBB Celebrity Collab Kapuso star sa 'Kapuso Countdown to 2026'!