Sa ikasiyam na linggo ng 'Royal Blood,' napalitan ni Tasha (Rabiya Mateo) sa unang puwesto si Beatrice (Lianne Valentin) sa mga pinaghihinalaan ng manonood na pumatay kay Gustavo Royales, base ito sa resulta ng isinagawang poll ng 'Royal Blood' noong August 16 hanggang August 20.
Para sa ikasampung linggo ng murder mystery series, sa inyong palagay, sino kaya ang tunay na pumatay kay Gustavo ngayong bagong rebelasyon ang nabunyag tungkol kay Beatrice, na may lihim na relasyon kay Andrew (Dion Ignacio).