Hindi tayo titigil hangga't hindi nahuhuli ang salarin!
Sa ikalabing dalawang linggo ng 'Royal Blood,' muling nanguna si Cleofe (Ces Quesada) sa mga pinaghihinalaan ng manonood na pumatay kay Gustavo Royales, base ito sa resulta ng isinagawang poll ng 'Royal Blood' simula September 4 hanggang September 9.
Sa huling dalawang linggo ng murder mystery series, sa inyong palagay, sino kaya ang tunay na pumatay kay Gustavo ngayong umamin na si Cleofe na anak niya si Emil (Arthur Solinap) sa kapatid ni Gustavo (Tirso Cruz III) na si Eduardo.