Dalawang babae ang umaaligid sa buhay ni Kidlat (Miguel Tanfelix) -- sina Chelsea (Caitlyn Stave) at Mutya (Zephanie).
Kapitbahay ni Kidlat si Mutya sa riles. Noong simula, si Sig (Raheel Bhyria) ang gusto ni Mutya pero habang tumatagal ay na-i-in love na rin siya kay Kidlat dahil sa pang-aasar nito sa kanya.
Si Chelsea naman ay nakatira sa Sitio Liwanag pero lumaki sa yaman. Si Chelsea ang nakatira sa bahay na pinasok ni Kidlat at ng tropa ni Ssob (Dave Bornea) noong nasa juvie pa sila.
Simula noon ay napatawad na ni Chelsea si Kidlat sa ginawa nito. Sa katunayan, mas pinili niya pa si Kidlat kaysa sa matagal na niyang kaibigang si Matos (Bruce Roeland).
Kung ikaw ang tatanungin, sino ang mas bagay kay Kidlat? Si Chelsea o si Mutya?