Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, unang minahal ni Princess (Sofia Pablo) si Xavier (Allen Ansay) pero kinailangan niya itong palayain para kay Libby (Lauren King).
Sa pag-alis ni Xavier sa buhay ni Princess, nakahanap naman siya ng panibagong knight in shining armor sa katauhan ni Justin (Radson Flores) ,ang matalik na kaibigan ni Xavier.
Matapos ang nangyaring trahedya kung saan na-trap si Princess sa isang gumuhong building dahil sa lindol, umamin na si Justin ng tunay niyang nararamdaman kay Princess.