Last two episodes na lang at makikilala na ang susunod na singing idol ng bansa!
Sa semi-finals ng The Voice Kids, dalawang young singers mula sa bawat team ang maglalaban-laban ngayong Linggo, December 7. Ang mapipili ng superstar coaches ang maghaharap-harap sa inaabangang grand finals ng sinusubaybayang singing competition na magaganap sa December 14.
Ang maglalaban-laban ay sina:
BenKada: Gianino Sarita vs. Audriz Cerineo
Julesquad: Marian Ansay vs. Erienne Clor
Project Z: Sofia Mallares vs. Summer Pulido
Team Bilib: Gianna Goopio vs. Ahlia Encinares
Iparinig ang inyong boses para maipakita ang inyong suporta sa inyong pambato sa The Voice Kids. Sagutin ang poll sa ibaba.