Looking for love ang panganay nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) na si Chito (Jake Vargas).
Sa cpast episodes ng ‘Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento’, may ilang pretty ladies na ang na-meet ng guwapong binata na bagay sa kaniya.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Direk Michael V. noong June 2023, may patikim na siya sa magiging takbo ng love life ni Chito.
Paliwanag ng Kapuso ace comedian, “Pero with Jake Vargas, 'yung character ni Chito, 'yun ang meron pang puwedeng i-explore. Looking pa e. So, malapit na rin kaming mag-zero in on a certain love team ni Chito. Malapit na namin mahanap 'yung “the one” para sa character niya.”
Sino kina Gaby (Cheska Fausto ), Amber (Roxie Smith) o Cara (Sophia Señoron), ang the “one” for the Manaloto heartthrob?