Ngayong 2023, mapapanood na ang biggest collaboration TV project ng GMA, ABS-CBN, at Viu.
Ito ay ang ‘Unbreak My Heart,’ ang teleseryeng pagbibidahan ng Kapuso at Kapamilya stars na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.
Bukod sa mga nabanggit, mapapanood din sa pinakainaabangang drama series ngayong taon sina Will Ashley, Bianca De Vera, at marami pang iba.