Muling napapanood sa TV at online ang GMA series na ‘First Yaya.’
Umiikot ang istorya nito sa mala-fairytale na love story ng pretty yaya na si Melody (Sanya Lopez) at handsome president na si Glenn (Gabby Concepcion).
Bukod kina Yaya Melody at President Glenn, mayroon pang ibang mga karakter na patuloy ding minamahal ng viewers.