Blooming hindi lang ang school life ng unica hija nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) na si Clarissa (Angel Satsumi).
Ang Gen-Z daughter kasi ng Manaloto couple, pumapag-ibig din!
Natapos man ang relasyon niya sa kaniyang first boyfriend na si Jacob (Clifford), may mga boys naman na tila umaaligid sa kapatid ni Chito (Jake Vargas).
Ang tanong, sino sa kanila ang may perfect chemistry kay Clarissa. O end game pa rin sila ni Jacob?