Lalong nagulo ang mundo ni Jordan (Rayver Cruz) nang sabihin sa kanya ni Shaira (Liezel Lopez) na dinadala niya ang anak nilang dalawa.
Malalim na kasi ang iniisip ni Jordan ngayong buntis din si Cristy (Jasmine Curtis-Smith) pero tinanggap niya ito kahit na si Leon (Joem Bascon) ang ama ng ipinagbubuntis ng una niyang asawa.
Hindi malabo na si Jordan ang ama ng ipinagbubuntis ni Shaira pero may posibilidad din na ang nakababatang kapatid ni Jordan na si Jeff (Martin Del Rosario) ang ama nito, lalo na't may nangyari rin sa pagitan nila ni Shaira.
Sa iyong palagay, sino ang tunay na ama ng ipinagbubuntis ni Shaira?