Mapapanood na ngayong linggo ang pagbabalik ni Atty. Lilet Matias (Jo Berry) para maging abogado ng mag-inang Maying (Diana Zubiri) at Kidlat (Miguel Tanfelix) sa kasong isasampa nila laban sa mga Victor.
Bumalik na kasi ang alaala ni Maying at nasabi na niyang ang mga Victor ang nagsimula ng gulo sa Sitio Liwanag.
Ngayong makakaharap na nina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) sina Matos (Bruce Roeland) at Jackson (Paolo Contis), sino pa ang gusto n'yong maging kakampi o kaaway ng Mga Batang Riles?