Ang Nation’s Son na si Will Ashley ang isa sa mga nominado para sa Best Supporting Actor sa 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS 2025.
Ang nominasyon ay mula sa kanyang mahusay na pag-arte sa pelikulang Balota.
Samantala, bago pumasok noon sa Bahay Ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, napanood na ang former child star sa iba’t ibang palabas sa TV at maging sa big screen.
Kabilang sa mga naging co-stars at previous love team ng 22-year-old Sparkle actor ay sina AZ Martinez, Bianca De Vera, Sofia Pablo, at Jillian Ward.