Paldong-paldo ang 30th anniversary ng Pambansang Comedy Show na ‘Bubble Gang’ ngayong 2025.
Bukod sa two-part concert special nitong Oktubre, certified viral at pinag-usapan nang husto ang parody nila ng Senate hearing tungkol sa flood control projects at nagpasaya rin ang ginawa nilang parody ng pag-amin ng dalawang prominent political figures.
Pero, sa tingin n’yo mga Batang Bubble, alin sa mga parody characters na ito ang naghatid ng bilyon-bilyong ‘More Tawa, More Saya’ sa inyo this 2025?