Mas kaabang-abang na mga eksena ang susunod na matutunghayan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ngayong Linggo, nakatakdang sumalang ang Kapuso at Kapamilya housemates sa tasks kung saan susukatin kung gaano sila karapat-dapat na ka-final duo?
Ang Sparkle stars na kasalukuyang nasa loob ng Bahay Ni Kuya ay sina Will Ashley, Mika Salamanca, Dustin Yu, Charlie Fleming, AZ Martinez, at Shuvee Etrata.
Habang ang Star Magic artists naman na kanilang kasama ay sina Bianca De Vera, River Joseph, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, Esnyr, at Ralph de Leon.