Natunghayan sa previous episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang pagsalang ng Ultimate 8 sa "Ultimate Tapatan" kasama ang ex-housemates at ilang hosts ng teleserye ng totoong buhay.
Bago maganap ang The Big Night, balikan kung sino kina Ashley Sarmiento, Caprice Cayetano, Heath Jornales, Princess Aliyah, Joaquin Arce, Krystal Mejes, Lella Ford, at Miguel Vergara ang pinaka naging tapat at pinaka nagpakatotoo sa Big Brother house?