Bukod sa pagpapakatotoo ng bawat housemate, naging patok din sa viewers ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang ilang unexpected at iconic pairings sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Kabilang sa mga ito ang BreKa (Brent Manalo at Mika Salamanca), WillCa (Will Ashley at Bianca De Vera), KiSh (Kira Balinger at Josh Ford), DusBi (Dustin Yu at Bianca De Vera), at AZRalph (AZ Martinez and Ralph De Leon).
Kapansin-pansin na marami ang sumuporta at patuloy na tumatangkilik sa kanila magmula nung sila ay magkakasama sa loob ng iconic house hanggang sa ngayon na sila ay nasa outside world na.