Simula nang nakalabas mula sa Bahay ni Kuya, mas marami ang humanga't nagmahal sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates. Bukod sa kanilang good looks at charming personality, naging solid rin at kahanga-hanga ang samahan nila sa outside world.
Kaya naman bawat galaw at ganap nila, mapa-social media man or sa totoong buhay, tila nakaabang lagi ang fans nila. Isa sa much anticipated showbiz events ang GMA Gala 2025, dahil na rin ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama muli ang housemates suot-suot ang kani-kanilang guwapong suits at naggagandahang evening gowns
Sino sa PBB housemates ang sa tingin mong magiging Big Winner sa Red Carpet ng GMA Gala 2025?