Sa finale episode ng murder mystery series na SLAY, makikilala na kung sino ang tunay na killer ni Zach Zamora (Derrick Monasterio)!
Si Hector (James Blanco) nga ba ang tunay na pumatay kay Zach o inaako niya lang ang kasalanan na hindi naman niya ginawa?
Kung inaakala mong alam mo na kung sino ang killer, humanda sa unexpected twist na naghihintay ngayong gabi sa SLAY.
Sa pagtatapos, sino kina Amelie (Gabbi Garcia), Sugar (Mikee Quintos), Yana (Ysabel Ortega), at Liv (Julie Anne San Jose) ang huling hula mo na tunay na pumatay kay Zach?