Magtatapos na ngayong araw ang GMA drama series na Start-Up PH.
Kabilang sa star-studded cast nito na sinubaybayan ng mga manonood ay sina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Gina Alajar, Kim Domingo, Royce Cabrera, Boy 2 Quizon, at marami pang iba.
Kung isa ka sa fans ng serye, tiyak na isa sa cast ang naging paborito mo habang pinapanood ang Philippine adaptation ng breakthrough Korean drama series na Start-Up.