Kamakailan lang, nagsimula na ang ikalawang season ng ‘Unbreak My Heart.’
Napanood sa previous episodes kung paano ibinunyag ni Alex/Xandra (Gabbi Garcia) sa mismong araw ng kanyang kasal na alam na niya ang sikreto nina Renz (Joshua Garcia) at Rose (Jodi Sta. Maria).
Kasunod nito, kanya-kanyang diskarte na sina Renz at Rose kung paano ipapaliwanag kay Alex/Xandra ang lahat ng nangyari noong nasa Switzerland pa sila.
Ilang beses sinubukan ni Rose na ipaliwanag ang lahat sa kanyang anak ngunit tila sarado na ang isip nito.
Samantala, si Renz naman ay sisikaping maibalik ang tiwala sa kanya ni Alex/Xandra.