Sa previous episodes ng drama series na ‘Unbreak My Heart,’ napanood kung paano nagpursige si Renz (Joshua Garcia) na maibalik ang nasirang tiwala sa kanya ni Alex/Xandra (Gabbi Garcia).
Sa pagpapatuloy ng istorya ng serye, tila nagkakaroon na ng pag-asa si Renz na muling makuha ang loob ni Alex/Xandra.
Matapos makunan ang huli, ipinapakita pa rin ni Renz na paninindigan niya ang desisyon niyang manatili pa rin sa tabi ni Alex/Xandra kahit wala na ang kanilang baby.