Naniniwala si Napoy (Dingdong Dantes) na hindi aksidente ang pagkamatay ng amang si Gustavo (Tirso Cruz III). Sa pag-iimbestiga, may mga ebidensya at sikreto na siyang unti-unting nabubunyag.
Isa nga ba sa mga kapatid niyang sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice, na may kanya-kayang galit kay Gustavo, ang tunay na salarin? O isa mga taong nakapaligid sa kanya?
At tunay kayang inosente si Napoy? Sa inyong palagay, sino ang tunay na pumatay kay Gustavo?