Isa ang Kapuso star na si Mikee Quintos sa hinahangaan ngayon ng ilang millennials.
Bukod kasi sa taglay niyang kagandahan, tumatak na rin sa kanila ang husay ni Mikee sa pag-arte kahit anong role pa ang ipagawa sa kanya.
Dahil dito, ilang mahuhusay na Kapuso leading men na ang nakatambal ni Mikee Quintos sa ilang GMA shows tulad ng The Gift, The Lost Recipe at Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Ilan sa naging ka-love team niya ay sina Alden Richards, Kelvin Miranda, Sef Cadayona, Paul Salas at madami pang iba.