Natunugan ng sindikato sa likod ng isang large-scale scam hub ang operasyon ng Firewall.
Nakukuha pala ng mga sindikato ang impormasyon sa loob mismo ng Philippine Bureau of Investigation (PBI) dahil sa listening device na natagpuan nina Isa (Kylie Padilla), Galo (Miguel Tanfelix), Hex (Jak Roberto), Jhay-Jhay (Buboy Villar), at Leila (Cheska Fausto) sa loob ng kanilang headquarters.
Na-trace nila ang source ng listening device sa main building ng PBI.
Tatlo ang suspect nila na posibleng nagtanim ng listening device at nagfi-feed ng impormasyon sa sindikato.
Sino sa tingin mo ang mole sa loob ng PBI na tumatraydor sa Firewall?
Samantala, para malaman kung sino ito, tumutok sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
