Multo, aswang, tiyanak, at suwerte na may kapalit na malas -- ilan lang 'yan sa nakapangingilabot na karakter at tema na tumatak sa kamalayan ng local moviegoers pagdating sa best Pinoy horror films.
At ilan sa mga classic at box-office scary movies na ito ay pinagbidahan ng mahuhusay na aktres na hindi lang tayo binalot ng takot, dahil minsan ay napabalikwas pa tayo sa ating inuupuan dahil sa mga iconic nilang sigaw.
Pero, sino nga ba sa kanila ang maituturing na reyna ng horror films sa Pinas?
Sino ang karapat-dapat magsuot ng korona na ‘Scream Queen’ ng Philippine cinema?