Nalalapit na ang pagtatapos ng GMA drama series na ‘Start-Up PH,’ ang Philippine adaptation ng isang hit Korean drama na pinagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo, kasama sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.
Dahil ilang linggo na lang ang natitira, ang viewers at fans ng serye ay gabi-gabing nakaabang upang hindi malampasan ang mga susunod na rebelasyon at mga kapana-panabik na eksenang ipinapalabas sa programa.
Isa ka rin ba sa patuloy na sumusubaybay sa Kapuso serye na ito?
Kung oo, subukan natin sa simple quiz na ito kung certified fan ka nga ng ‘Start-Up PH.’