
Swak na swak ang twist ng Bubble Gang stars sa sikat na Christmas song na "12 Days of Christmas," na napanood kagabi, November 30.
Gamit ang tema ng korapsyon, kinanta ng mga Batang Bubble ang version nila na '12 Days of Kurakot,' na sobrang patok online.
Wala pang isang araw, umani na agad ang version ng Pambansang Comedy show ng mahigit 12 million views sa Facebook.
Kinaaliwan din ng mga netizen at fan kung paanong galit na galit na kinanta ng Bubble Gang members ang Christmas song na ito with a twist.
Source: Bubble Gang
For more funny parody song from Bubble Gang, please follow all the official social media account of the gag show or visit, GMANetwork.com.
Related gallery: Michael V.'s viral parody songs that you need to listen to