What's on TV

16-year-old Bulakenya contender ng 'The Clash 2023,' papatunayang 'age is just a number'

By Jansen Ramos
Published December 27, 2022 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

jamie elise of the clash 2023


Kilalanin ang 16-year-old Clasher mula Sta. Maria, Bulacan na si Jamie Elise dito.

Patutunayan ng teenager mula Sta. Maria, Bulacan na si Jamie Elise na kaya niyang makipagsabayan sa mga mas matandang aspiring singer sa kanya sa fifth season ng The Clash na ipapalabas ngayong 2023.

Si Jamie ay maituturing na isa sa mga batang contender sa The Clash 2023 top 30.

Sa kabila nito, handang lumaban ang 16 anyos na dalaga para sa kanyang pangarap.

"Gusto ko pong ipagpatuloy 'yung dream ko na maging isang sikat na singer. And gusto ko rin pong maka-inspire ng mga kasing edad ko na kaya nilang makipagsabayan kahit 16 lang sila or kung ano man ang age nila," bahagi ng Clasher sa 'The Clash Cam.'

Inaasahan ni Jamie na magiging madugo ang labanan dahil aminado siyang matitindi ang kanyang mga makakalaban. Gayunpaman, ang mahalaga para sa kanya ay ang kanyang growth bilang mang-aawit.

Matatandaang 16 na taong gulang si Golden Cañedo nang tanghalin itong first-ever The Clash winner noong 2018.

Ganito rin kaya ang magiging kapalaran ni Jamie?

Subaybayan 'yan sa The Clash 2023 na malapit nang ipalabas sa GMA.

Para sa iba pang updates tungkol sa programa, manatiling bumisita sa GMANetwork.com/The Clash at sa offiicial Facebook, Twitter, TikTok, at YouTube pages ng The Clash.

SAMANTALA, BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, BALIKAN ANG MUSICAL JOURNEY NG REIGNING CHAMP NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: