GMA Logo 1st One in All 1N Finale Concert
Photo by: 1stoneofficialph
What's Hot

1st.One, labis ang pasasalamat sa full house 'All 1N Finale Concert'

By Kristine Kang
Published January 20, 2026 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

1st One in All 1N Finale Concert


1st.One sa kanilang fans: “[Sila] ang susi kung bakit nagpapatuloy pa rin 'yung pangarap namin.”

"1st.One started as 6 and will always be 6."

Ito ang ipinagdiwang ng rising P-pop group na 1st.One sa kanilang “All 1N Finale Concert” noong Linggo (January 18) sa SM North EDSA Skydome.

Jam-packed ng fans ang venue, at mas naging makabuluhan ang gabi dahil sa suporta ng iba't ibang P-pop groups at fandoms.

Sa panayam kay Aubrey Carampel, ipinahayag ng grupo ang taos-pusong pasasalamat sa mainit na pagmamahal ng kanilang FOR.ONEs.

“Sobrang honored po and sobrang overwhelmed at the same time. Ta's 'yung effort nila na pumunta dito kasi ['yung iba] from Cebu, from Davao, sa ibang bansa like Japan-- Dingalan my hometown,” ani Jason.

Naging mas emosyonal ang unang concert nila ngayong taon nang ihanda ng fans ang isang surprise video message at sabay-sabay nagtaas ng special banners at hot pink lights, ang official color ng 1st.One.

“'Yung FOR.ONE po talaga ang susi kung bakit nagpapatuloy pa rin 'yung pangarap namin as a P-pop artist,” dagdag ni Alpha.

Orihinal sanang gaganapin noong Nobyembre ang “All 1N Finale Concert.” Ngunit ipinagpaliban muna ito dahil sa kalusugan ni Joker.

“Much better na po and sila rin po 'yung nag-push sa akin kung bakit ako nandito,” pahayag ni Joker.

Ipinakita rin ng P-pop group ang kanilang pasasalamat online, kung saan ibinahagi nila ang kanilang group picture kasama ang fans.

"You filled our hearts by making skydome a FULL HOUSE… Everyone you truly made our night extra wonderful! We'll deeply remember this day! We love you…," sabi nila sa caption.

A post shared by 1ST ONE (@1stoneofficialph)

Nagsimula ang 1st.One noong 2020 sa kantang “You Are the One.” Binubuo nina Ace, Max, Alpha, J, Joker, at Jayson, kilala sila sa mga kantang “Shout Out,” “Turn Up,” “Dito,” at “Wala Nang Iba.”

Sa naturang concert, ginawaran din ang grupo ng authenticated copies ng Murillo Velarde 1734 Map o Mother of All Philippine Maps, bilang opisyal na “Bearers of the Map” at “Guardians of the Soul of the Nation.”

Balikan ang heartwarming at fun moments sa 1st.One's 'All 1N Finale Concert' sa gallery na ito: