What's Hot

2007 GMA series na 'Super Twins,' magkakaroon ng remake?

By Jansen Ramos
Published August 7, 2019 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News



12 years na ang nakakalipas mula noong ipinalabas ang hit telefantasya ng GMA na 'Super Twins.' Magkakaroon nga ba ito ng remake?

12 years na ang nakakalipas mula noong ipinalabas ang hit telefantasya ng GMA na Super Twins na pinagbidahan ng StarStruck batchmates na sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte.

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, and Nadine Samonte
Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, and Nadine Samonte

Bilang pagbabalik-tanaw sa isa sa mga tumatak na serye ng Ultimate Star, ini-remake nila ito ng kanyang real-life bestie na si Nar Cabico para sa isang episode ng Love You Two.

Mula sa pose hanggang sa costume, gayang-gaya nila ang magkakambal na tagapagligtas na sina Super S at Super T.

Badine Samonte at Jennylyn Mercado ✨ Kapangyarihan ng Araw Taglay na Liwanag Kambal Na Lakas Kami ang... SUPERTWINS! Abangan sa #LoveYouTwo 😂😂😂

Isang post na ibinahagi ni Nar Cabico (@narcabico) noong

Siyempre, hindi nila kinalimutang bigkasin ang sikat na mantra ng Super Twins na may mga linyang, "Kapangyarihan ng araw, taglay na liwanag, kambal na lakas...Kami ang Super Twins."

Abangan ang Super Twins moment nina Jennylyn at Nar ngayong linggo sa Love You Two, pagkatapos ng The Better Woman sa GMA Telebabad.

Tandem nina Jennylyn Mercado at Nar Cabico sa 'Love You Two,' kinaaaliwan!