
Isa sa mga tradisyon tuwing nalalapit na ang Chinese New Year ay ang pagkonsulta sa Chinese Zodiac o Zodiac Animals para malaman kung anu-ano ang mga prediksyon para sa bagong taon.
Nakapanayam ng In Real Life si Master Willy Ang, isang feng Shui Expert at psychic, para magbigay ng prediksyon ngayong Year of the Ox.
Isang babala para sa mga ipinanganak sa Year of the Ox (1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021), kailangan maging mas maingat sa mga desisyon dahil makakaranas ng ilang pagsubok ngayong taon.
Sa kabilang banda, kung maraming hindi magandang nangyari noong nakaraang taon, inaasahan namang magiging maganda ang buhay para sa mga ipinanganak sa Year of the Rat (1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, at 2020).
Magiging masuwerte rin daw ang mga Year of the Tiger (1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010), pero kailangan pa ring maging masipag at bantayan ng mas maigi ang kalusugan.
Mainam naman para sa mga Year of the Rabbit (1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011) ang sumali sa mga charity organizations para makalayo sa mga negative energy.
Samantala, sadyang may tensyon sa pagitan ng Year of the Dragon (1929, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012) at Year of the Ox ngayong 2021, kaya mainam umano na maging mas agresibo ang mga pinanganak sa Year of the Dragon ngayong taon para makamit ang kanilang mga pangarap.
Pag-iingat din ang payo para sa ang mga pinangak sa Year of the Snake (1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013) lalo na pagdating sa negosyo dahil lapitin sila ng manloloko ngayong taon.
Maraming haharaping pagsubok ang mga pinanganak sa Year of the Horse (1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014) ngayong taon.
Mortal enemies daw ang kambing at kapong baka kaya ang mga pinanganak sa Year of the Goat (1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015) dapat matutong maging mas mapagmahal, masipag, at mapagbigay para mawala ang malas.
Para sa mga Year of the Monkey (1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016), masuwerte itong taon na ito, ngunit dapat pa rin magingat sa mga pagkakatiwalaang tao.
Ang mga Year of the Rooster (1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017) naman ay magiging masuwerte rin ngayong taon, lalo na't kung mag-iingat sa kalusugan at magiging agresibo sa mga pangarap.
Ang mga Year of the Dog (1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018) naman ay magiging lapitin sa away kaya doble haba lang ng pasensya dapat ang pairalin.
Sa mga Year of the Pig (1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007) katamtaman ang pagpasok ng suwerte ngayong taon at dapat pa ring banatayang maigi ang kalusugan at sarili para makaiwas sa mga away at aksidente.
Panoorin ang kabuuan ng mga prediksyon sa In Real Life:
Samantala, tingnan ang 2021 goals ng inyong mga paboritong Kapuso stars: