
Ilang oras na lang at mapapanood na ang inaabangang 2022 GMA Christmas Station ID na "Love is Us this Christmas" sa All-Out Sundays.
Pangungunahan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang taunang Christmas station ID ng GMA kung saan makakasama rin nila rito sina Alden Richards, Bea Alonzo, Heart Evangelista, at Ms. Jessica Soho.
Please inset: attached images
Ang lyric video ng "Love is Us this Christmas" na inawit ng Kapuso singers sa pangunguna ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose ay nauna nang umani ng papuri nang inilabas ito noong October 22.
Abangan ang 2022 GMA Christmas Station, malapit na sa All-Out Sundays!