
Kabilang ang 24 Oras sa ilang programang tumanggap ng parangal sa taunang Gawad Bagani sa Komunikasyon Awards ng University of the East Caloocan Campus.
Ginawaran ang programa ng Best Public Service Program for Television. Ayon sa award giving body, kinilala ang 24 Oras bilang isang “warrior” ng media na lumalaban sa kawalan ng katarungang panlipunan na nakaugat sa kahirapan.
Ginanap ang awards ceremony ngayong February 12 ng hapon sa Multipurpose Hall 3 ng Dr. Lucio C. Tan Building ng UE Caloocan Campus.
Congratulations, Kapuso!