GMA Logo vic sotto movies on youtube super stream
What's Hot

3 pelikula ni Vic Sotto, libreng mapapanood sa YouTube!

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 2, 2020 10:56 AM PHT
Updated September 2, 2020 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

vic sotto movies on youtube super stream


Bilang parte ng "Super Stream," libreng mapanonood ang mga pelikula ni Bossing Vic Sotto na 'Si Agimat at si Enteng Kabisote,' 'Enteng Kabisote 10 & the Abangers,' at 'Meant to Beh' sa YouTube channel ng GMA Network.

Hindi kumpleto ang pasko ng pamilyang Pilipino kung hindi napanood ang isa sa mga pelikula ni Vic Sotto na kabilang sa taunang Metro Manila Film Festival.

Isa sa mga karakter ni Vic na sumikat nang husto ay si Enteng Kabisote, isang simpleng tao na nakapangasawa ng isang diwata.

Enteng Kabisote 1

Unang ginampanan ni Vic Sotto ang 'tagalupa' na si Enteng Kabisote sa pelikula noong 2004 sa 'Enteng Kabisote: Okay Ka Fairy Ko… the Legend,' kung saan nakatambal niya si Kristine Hermosa. / Source: imdb.com

Ngayong hindi pa makapag-shoot ang mga pelikulang kasali sa 2020 Metro Manila Film Festival dahil sa umiiral na community quarantine sa buong bansa, ini-upload ng GMA Network ang tatlong pelikula na pinagbidahan ni Vic upang magbigay saya sa mga tao.

Bilang parte ng YouTube “Super Stream,” mapanonood nang buo at libre ang 2010 movie nina Vic at Sen. Bong Revilla na Si Agimat at si Enteng Kabisote, 2016 movie na Enteng Kabisote 10 and the Abangers,' at ang 2017 family comedy film na Meant To Beh, kung saan nakasama ni Vic si Dawn Zulueta.

Mapanonood ang nasabing mga pelikula sa YouTube channel ng GMA Network hanggang September 26.