
Indie films ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Isa na diyan ang LGBTQIA+ love story na 4 Days, starring Mikoy Morales at Sebastian Castro.
Iikot ang kuwento nito sa college roommates na magsisimula ng isang romantic relationship kahit pareho pa silang hindi out.
Paano kung isa sa kanila ang gusto nang magladlad habang tutol naman dito ang isa?
Panoorin ang 4 Days, December 18, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang surfing movie na Flotsam nina Solenn Heussaff at Rocco Nacino.
Tungkol naman ito sa iba't ibang turista sa surf town ng San Juan, La Union.
Isa na rito si Kai, karakter ni Solenn, isang architect na nagbakasyon muna para magpalamig ng ulo matapos ang kanyang engagement. Makikilala niya sa La Union ang bartender na si Tisoy, role naman ni Rocco.
Magiging permanente ba o lilipas din ang pag-ibig at pagkakaibigan na mabubuo sa tourist hotspot na ito?
Abangan 'yan sa Flotsam, December 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.