
Isang touching indie film ang matutunghayan ngayong Pride Month sa digital channel na I Heart Movies.
Abangan dito ang LGBTQIA+ love story na 4 Days, starring Mikoy Morales at Sebastian Castro.
Iikot ang kuwento nito sa college roommates na magsisimula ng isang romantic relationship kahit pareho pa silang hindi out.
Paano kung isa sa kanila ang gusto nang magladlad habang tutol naman dito ang isa?
Panoorin ang 4 Days, June 23, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mahilig sa romance na may halong horror, nariyan ang Nasaan Ka Man.
Bumida dito sina Claudine Barretto, Jericho Rosales, at Deither Ocampo, kasama sina Hilda Koronel, Gloria Diaz, at Dante Rivero.
Tungkol ito sa mga sikreto ng isang pamilya na maglalabasan matapos humingi ng basbas para magpakasal ang dalawang inampon nilang anak.
Abangan ang Nasaan Ka Man, June 27, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.