GMA Logo 4 Days movie in I heart movies digital channel
What's on TV

'4 Days' starring Mikoy Morales, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published August 28, 2025 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

No winners of major lotto draws on Friday, May 1, 2026
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

4 Days movie in I heart movies digital channel


Isa ang '4 Days,' starring Mikoy Morales, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies.

Isang touching indie film ang matutunghayan ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Abangan dito ang LGBTQIA+ love story na 4 Days, starring Mikoy Morales at Sebastian Castro.

Iikot ang kuwento nito sa college roommates na magsisimula ng isang romantic relationship kahit pareho pa silang hindi out.

Paano kung isa sa kanila ang gusto nang magladlad habang tutol naman dito ang isa?

Panoorin ang 4 Days, August 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa horror, nariyan ang Sunod starring Carmina Villarroel.

Kuwento ito ng single mother na may bedridden na anak kaya mapipilitan siyang pumasok sa isang entry-level position sa call center.

Mahirap na nga ang trabaho dahil sa graveyard shifts pati na sa mga asal ng mga katrabaho niya, guguluhin pa ang kanyang isip ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang opisina.

Abangan ang Sunod, August 29, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.