
Apat na tulog na lamang at magaganap na ang much-awaited event ng taon, kung saan magsasama-sama ang mga nagniningning na Sparkle artists at Kapuso celebrities sa isang gabi ng pasasalamat at kasiyahan. Ito ay walang iba kung hindi ang GMA Gala 2023.
“This year's event promises to be even more spectacular than ever before, with the biggest names in the industry expected to make an appearance.
“Be part of the most highly anticipated event of the year by tuning in to Sparkle's official red carpet livestream via our social media accounts on July 22 at 5PM,” sulat ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang Instagram post.
Handa na ba kayong makita ang mga classy elegant formal attire ng Kapuso at Sparkle artists? Sa katunayan, naghahanda na sila para sa kanilang mga magiging look para sa naturang event.
Samantala, puspusan at tuloy-tuloy din ang paghahanda ng GMA executives mula sa creative execution hanggang sa banquet para sa tinatayang halos isang libong personalidad na dadalo sa GMA Gala 2023.
Bukod sa mga Sparkle at Kapuso stars, asahan din ang pagdalo ng iba pang media partners at non-GMA artists sa naturang event.
“It might be the event of the year kasi nandiyan of course ang ating artists pero invited din ang lahat ng partners natin, those na naka-collaborate natin.
“So pati 'yung mga artists that we worked with na not from GMA will also be there, so we're very excited,” pagbabahagi ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes sa isang panayam.
Ang GMA Gala ay magsisilbi ring fundraising event kung saan ang malilikom na pondo ay ibabahagi sa GMA Kapuso Foundation at iba pang charitable institutions.
Abangan ang inyong favorite Sparkle at Kapuso celebrities sa GMA Gala 2023 sa darating na July 22.
SAMANTALA, BALIKAN ANG OLD HOLLYWOOD LOOKS SA GMA THANKSGIVING GALA 2022 DITO.