Celebrity Life

5 things to know about Bianca Umali

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 3:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Sa edad na 14, makikita na mature nang mag-isip ang young actress na si Bianca Umali. Ngunit sa isang panayam, ikinuwento niya na bata pa rin siyang maituturing. 


5 things to know about Bianca Umali

 
Sa edad na 14, makikita na mature nang mag-isip ang young actress na si Bianca Umali. Ngunit sa isang panayam, ikinuwento niya na bata pa rin siyang maituturing.

Narito ang five facts about Bianca Umali na dapat ninyong malaman.

Parents’ decision
Unang nadiskubre si Bianca nang siya ay sanggol pa lamang. Ito ay para sa isang diaper ad noong dalawang taon pa lamang siya. Di nagtagal, nagbukas na rin ang mundo ng showbiz para sa kanya.

“Well, actually my parents decided for it. Talagang sila ‘yung nagpasok sa akin. Pinalaki nila ako sa ganitong industry. ‘Yun nga I started doing commercials noong two years old hanggang sa nakuha na ko sa kiddie shows,” kuwento ng young actress.

Home school
Dahil sa kanyang erratic work schedule ni Bianca, nakukuha niya pa ring makapag-aral through home school.

Aniya, “'Yon yung advantage ng home school kasi kumbaga you get to do the school work when you have time.”

Favorite movie
Karaniwang maririnig sa teenage girls na romantic comedy films ang kanilang mga paborito. Pero kay Bianca Umali, ang Captain Philips, isang American thriller na based sa true story, ang kanyang gusto.

“Well, I like Captain Philips, if you've watched it. It stars Tom Hanks, and it’s a really nice movie and how he acted it talaga,” kuwento niya.

Dream role
Pinapangarap ni Bianca ang isang challenging role. Aniya, “Dream role ko, is ‘yung role ng mentally challenged. ‘Yung puwedeng baliw, puwedeng psycho. ‘Yun ang gusto kong i-try.”

Para sa role na ito, gusto niyang makatrabaho ang mga aktor at aktres sa GMA Telebabad.

“Gusto kong maka-trabaho siguro si Tito Raymond Bagatsing. Kasi nakasama ko siya sa Mga Basang Sisiw at marami akong natutuhan talaga sa kanya. Siguro maliban sa kanya, sa babae naman puwedeng si Ate Marian or si Ate Jennylyn Mercado which is nasa Rhodora X,” pahayag ni Bianca.

Video games
Mature man mag-isip si Bianca, inamin naman niyang mahilig pa rin siyang maglaro. Ang paborito niyang laruin ay ang video games.

Kuwento ni Bianca, “I'm addicted to video games. Hindi ko naman siya masyadong ina-announce sa social media. Pero I spend almost the whole night video games. More on the type of Tomb Raider, mga action. And also yung mga mind challenging.”
 
Abangan si Bianca Umali sa nalalapit na pagsisimula ng Niño.

Para sa iba pang updates mula kay Bianca Umali at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.
- Text by Maine Aquino, GMANetwork.com