Article Inside Page
Showbiz News
Para sa tiwala, suporta, at pagmamahal ng mga Kapuso sa nakalipas na 65 taon, magsasagawa ang GMA Network ng GMA Fans Day sa July 26, 2015, Linggo, sa Mall of Asia Arena.
Para sa tiwala, suporta, at pagmamahal ng mga Kapuso sa nakalipas na 65 taon, magsasagawa ang GMA Network ng GMA Fans Day sa July 26, 2015, Linggo, sa Mall of Asia Arena.
Magsasama-sama ang mga artista, news personalities at mga manonood sa isang araw ng kasiyahan at pasasalamat upang ipagdiwang ang tagumpay na ito.
Free admission ang selebrasyon, at maraming games, performances at sorpresa ang naghihintay sa mga Kapuso na dadalo. Maaring mag-register para makakuha ng tickets sa
GMANetwork.com/ThankYouKapuso.
Ang GMA Fans Day 2015 ay ginawang posible ng Breeze Liquid Detergent, Palmolive Naturals Shampoo and Conditioner, Nesfruta, at Safeguard.
Tara na’t makisaya, Kapuso!