Article Inside Page
Showbiz News
Puwedeng maging cool at astig ang isang pari just like Pari 'Koy.
By MICHELLE CALIGAN

His unconventional ways of spreading the Word may seem a little off to some people, but Father Kokoy, Dingdong Dantes' character in the faith-serye
Pari 'Koy?, is a living testament na puwedeng maging cool at astig ang isang alagad ng Diyos.
LOOK: Sabi ni Pari 'Koy memes
Narito ang pitong dahilan kung bakit mahal na mahal ng San Agustin si Pari 'Koy, at kung bakit dapat rin siyang mahalin ng mga taga-Pinagpala.
1. He loves and knows music.
Likas na mahilig sa musika si Father Kokoy. Sa unang episode pa lang ng Pari 'Koy ay nakita na natin ang galing niya sa pagda-drums nang maging drummer siya ng banda ng San Agustin para sa Battle of the Bands. Nagiging paraan na rin ito ni Father Kokoy para mapalapit sa mga kabataan at mahikayat silang lumapit sa Diyos.
2. He never forgets to honor his mother.
Bata pa lamang si Father Kokoy nang pumanaw ang kanyang ina, pero ni minsan ay hindi niya ito kinalimutan. Ang kanyang mommy ang naging dahilan kaya siya marunong mag-bake, at naging inspirasyon din niya para maumpisahan ang kooperatiba ng San Agustin. Ang kooperatibang ito ang nagpatibay ng samahan ng mga magsasaka at manggagawa.
3. He is very dependable.
Tunay na maaasahan si Father Kokoy sa kahit anong bagay, kabilang na ang pagpapaanak. Hindi na umabot si Melba sa ospital at sa sasakyan na ni Father Kokoy iniluwal ang kanyang pangalawang anak. Bilang pasasalamat ay ipinangalan nila sa kanya ang sanggol, si Jericho.
4. He doesn't dwell in anger.
Sa unang araw ni Father Kokoy sa Pinagpala ay isang suntok agad ang nakuha niya mula kay Timo. Pero imbes na ipa-blotter ang basagulerong kapatid ni Noemi ay hinayaan na lamang niya ito at sinabing dahil lang sa kalasingan kaya siya nasuntok.
5. He believes everyone can change for the better.
Naniniwala si Father Kokoy na lahat ay puwedeng magbago, tulad na lamang nina Japhet at Pinggoy. Tinutulungan niya ang dalawang bata na baguhin ang kanilang buhay at mapalapit ang loob sa Panginoon.
6. He wants to know everyone in his parish.
Gustong makilala ni Father Kokoy ang mga nakatira sa Pinagpala kaya sa tulong ni Tomas ay inikot nila ang buong barangay. Isa-isa niyang nakilala ang mga taga-Pinagpala, at dito niya nakita ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap na nais niyang mawala.
7. He is one very cool priest.
Dahil sa kanyang mga ginagawa para sa parokya, masasabing isang cool na cool at astig na pari si Father Kokoy. Hindi man gusto ng ilang tao ang kanyang mga paraan, epektibo naman ito dahil unti-unti na niyang nababago ang buhay ng mga taga-Pinagpala.