What's on TV

'80s stars Vivian Foz at Ariosto Reyes, Jr., balik telebisyon ngayong Sabado sa 'Magpakailanman'

By Michelle Caligan
Published August 13, 2019 7:51 PM PHT
Updated August 15, 2019 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Sabado sa 'Magpakailanman,' bibigyang-buhay nila sina Elsa at Boy, ang mag-asawang may anak na may kakaibang sakit sa buto na kung tawagin ay Osteogenesis Imperfecta.

Pagkatapos ng mahabang panahon, muling mapapanood sa telebisyon ang '80s stars na sina Vivian Foz at Ariosto Reyes, Jr. Gaganap bilang mga magulang ni Joyce Ching sa upcoming Magpakailanman episode na pinamagatang 'Mula Puso Hanggang Sa Buto: The Blisse Cervantes Story.'

Magpakailanman presents "Mula Puso Hanggang Sa Buto: The Blisse Cervantes Story"

Sumikat sina Vivian at Ariosto noong 1980s at madalas napapanood sa programang Lovingly Yours, Helen. Ngayong Sabado, bibigyang-buhay nila sina Elsa at Boy, ang mag-asawang may anak na si Blisse (Joyce), na may kakaibang sakit sa buto na kung tawagin ay Osteogenesis Imperfecta.

Narito ang isang pasilip sa kanilang episode:

Abangan ang kuwento ni Blisse Cervantes this Saturday, August 17, sa Magpakailanman.