GMA Logo GMA Kapuso Foundation gives protective supplies
What's Hot

9 pang pampublikong ospital sa probinsiya, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz
Published June 10, 2020 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos, pinag-iisipan ang extradition treaty sa Portugal para madakip si Zaldy Co —DILG
NCAA 101 kicks off 2026 with volleyball tournament
Dalagang NAKAAHON SA HIRAP, NALUBOG SA UTANG dahil gastador! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation gives protective supplies


Nag-hatid ng protective supplies and GMA Kapuso Foundation sa 9 pang pampublikong ospital sa mga probinsiya.

Maituturing ding frontliner si Oliver Pendre na nagtatrabaho bilang tagalinis sa Rizal Provincial Hospital System sa Morong, Rizal.

Dahil sa kawalan ng transportasyon na dulot ng quarantine, mahigit isang oras ang nilalakad niya araw-araw mula sa kanyang tahanan sa Baras patungong Morong para makapasok sa trabaho.

"Sa simpleng bagay po nakakapag-ambag po tayo ng konting tulong sa ating kapwa. Kailangan lang po nating maging matatag lagi," pahayag ni Oliver.

Bilang konting pasasalamat sa kanyang dedikasyon, hinandugan siya ng GMA Kapuso Foundation ng fully loaded Kapuso grocery pack at diapers para sa kanyang apo.

Bukod sa kanya, lumibot din ang GMA Kapuso Foundation para magbigay ng protective supplies sa siyam pang pampublikong ospital sa mga probinsiya.

Kabilang sa mga naharitan ng tulong ang Quezon Medical Center, Casimiro Ynares Sr. Memorial Hospital, Rizal Provincial Hospital, San Pablo City District Hospital, Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, Southern Tagalog Regional Hospital, Batangas Medical Center, Cainta Municipal Health Office, at Camp Capinpin Station Hospital.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army.

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Dunkin' sa operasyon.




Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.