GMA Logo Family Feud Color It Red
What's on TV

'90s OPM band Color It Red, wagi ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published June 30, 2022 7:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Color It Red


Congratulations, team Color It Red!

Namula sa saya ang '90s OPM rock band na Color It Red nang maiuwi nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa pinag-uusapang game show ngayon sa Pilipinas na Family Feud ngayong Huwebes, June 30.

Ang bandang Color It Red ay binubuo nina Cooky Chua, Bopip Paraguya, Kwanchi Vergara, at Jayvee Torres na nagpasikat sa mga awiting "Paglisan,"Na Naman," at "A Hand-Painted Sky."

Nakatapat nila ang '90s all-girls PPOP group na Prettier Than Pink na binubuo naman nina Lei Bautista, Gretchen Garcia, Tin Caberto, at Mika mula sa Athalie Band.

Lamang na sana ang Prettier Than Pink sa first two rounds ng game sa score na 204 points na higit na mas mataas sa 86 points ng Color It Red.

Ngunit pagdating sa third round ay nakahabol ang Color It Red kung saan naging triple ang kanilang score kung kaya't sila ang nakapasok sa last round.

Sina Kwachi at Jayvee ang sumalang sa fast money round kung saan nakakuha sila ng lagpas sa 200 points na pasok upang makuha ang PhP200,000 jackpot prize.

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Samantala, kilalanin naman ang ilang OPM hit makers na walang apelyido sa gallery na ito: