
Pumanaw na ang 97-year-old social media star na si Anicia Santos Manipon na kilala ng maraming netizens bilang si "Grandma."
Si Grandma Anicia ay lola ng Kapampangan content creator na si Chris Punsalan.
Kinumpirma ni Chris ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang posts sa social media.
Ibinahagi niya sa social media ang ilang larawan nila ni Grandma, at kakabit ng mga ito ay ang kanyang caption na, “My heart is broken. Grandma fought so hard and lived such a fruitful life..."
Dagdag pa niya, “ I'm relieved that she can finally rest and she's in better hands than we could've ever provided. I love you forever, grandma…”
Tinapos niya ang kanyang post sa pagbabahagi ng bible verse na John 14:1-4: "“Don't let your hearts be troubled. Trust in God, and trust also in me. There is more than enough room in my Father's home. If this were not so, would I have told you that I am going to prepare a place for you? When everything is ready, I will come and get you, so that you will always be with me where I am. And you know the way to where I am going.”
Bukod kay Chris at sa kanyang buong pamilya, labis ding ikinalungkot ng napakaraming netizens, fans, at viewers ang pagpanaw ni Grandma.
Sa comments section ng posts ng content creator, mababasa ang mga mensahe ng pakikiramay ng netizens sa pamilya ni Grandma.
Nakilala si Grandma dahil sa mga vlog ni Chris, kung saan mapapanood ang kahanga-hangang pag-aalaga niya sa una.
Nagsilbing inspirasyon sina Grandma at Chris sa napakaraming viewers sa pamamagitan ng caregiving-related videos at heart-melting bonding moments nilang mag-lola.
Base sa isang content ni Chris, nalaman ng GMANetwork.com na isang former public school teacher si Grandma at nagturo siya ng halos mahigit dalawampung taon.
Related Content: Family vloggers na kinagigiliwan ngayon ng mga Pinoy online