Article Inside Page
Showbiz News
Nakakatuwang balikan ang "StarStruck" moments nila pero mas nakakatuwang tignan ang pag-mature ng kanilang career at friendship.
Ating maalala sila bilang hopeful contestants ng first season ng explosively popular reality show, ang "Starstruck." Now, through their prime time show "SRO Cinemaserye Presents Suspetsa," si Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Nadine Samonte ay nagkaroon ng pagkakataong makipag-bonding muli. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.
Habang painit nang painit ang suspense sa
SRO Cinemaserye, naging mainit din ang reunion of sorts ang
StarStruck Season One alumni na sila Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Nadine Samonte.

Ito ang pinaka-unang pagkakataon na magtrabaho ang tatlo sa iisang show, ngunit, tulad ng banggit ng
Starstruck One First Princess na si Yasmien, enjoy naman sila during their tapings. Kanyang kuwento, "Kami ni Nadine, nagkatrabaho na kami sa
Super Twins. Kaming tatlo, hindi pa kami nagkakasama. Ngayon pa lang. Sobrang exciting 'tsaka ang saya-saya ng set, kasi puro kami kwentuhan. Maingay!
"Wala kaming ginawa kundi mag-picture-an, lahat yata ng parte ng anggulo sa tent namin pini-picture-an namin. Wala, sobrang saya!"
Pero, siyempre sa kanilang pagsasama, hindi nila maiwasan ang mag-reflect sa naging takbo ng kani-kanilang buhay, personally and career-wise.
May pagbabago ba after their
StarStruck stint?
Para kay
StarStruck One Avenger Nadine, madami: "Ang masasabi ko sa sarili ko, nag-mature po ako, mas nag-mature pa ako dahil sa mga roles na binibigay sa akin. Mas nakakatulong na mas immature 'yung pagganap ko. Tapos sa life ko.
"Actually, sinasabi ko sa interviews na iba na 'yung dating Jennylyn, Yasmien, and Nadine. Iba na 'yung ngayon. Parang mas nag-grow up na kami and mas mature na kami."
For the Ultimate Female Survivor naman na si Jennylyn, puro blessings ang kanyang nakamit, as well as mga pagsubok na kanyang nilampasan with flying colors.
"Personal? Siyempre, 'yung nagkaroon na ako ng angel (her son Alex Jazz or "AJ"). So lumalim, mas marami na akong mga experience. Mas marami na akong naging growing time. Tulad din naman ng sinabi ni Nadine, ganun din. Sa dami ng na-experience ko sa buhay marami akong natututunan at ang dami kong nade-develop kasi marami na akong nahuhugutan," salaysay niya.
Kay Yasmien, the years after
StarStruck ay nakapagbigay ng ibang level of maturity sa kanyang pag-iisip at mga priorities sa buhay: "Sa akin, dati kasi sobrang mga batang-isip talaga kami. So lahat ng mga maliliit na bagay, pinag-aawayan namin.
"Ewan ko ba, ang gulo-gulo ng mga utak namin [noon]. Pero ngayon, 'pag nag-uusap-usap na kami, meroon na kaming pinag-uusapan na topic na maayos at seryoso. So nakakatuwang isipin na ang pinag-uusapan namin ganun na. Pati future! Lahat!"
Ganito pala ka-close ang tatlo sa totoong buhay, ngunit itong closeness bang ito ay nagre-reflect din sa harap ng camera?
Huwag palampasin ang patuloy na suspense sa
SRO Cinemaserye presents 'Suspetsa', tuwing Huwebes pagkatapos ng
24 Oras.
Kamustahin ang mga StarStruck One batchmates! Text either JENNYLYN [Your Message], YASMIEN [Your Message], or NADINE [Your Message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
Pag-usapan sila Jennylyn, Yasmien at Nadine! Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register
here!