GMA Logo my love from another star finale
What's Hot

A happy ending for Justin and Stephanie | 'My Love From Another Star' Recap

By Cara Emmeline Garcia
Published December 1, 2020 4:10 PM PHT
Updated December 1, 2020 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 25, 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

my love from another star finale


Balikan ang happy ending nina Justin at Stephanie sa 'My Love From Another Star' dito:

Sa huling linggo ng My Love From Another Star, dumating na ang panahong pinakahihintay ng ating dalawang bida--ang pag-alis ni Justin (Nadech Kugimiya) sa planeta.

Pero bago pa man ito mangyari, inaasam ni Stephanie (Matt Peranee) na alukin siya sa kasal ni Justin. Ang hindi lang niya alam, matagal nang sinubukan ni Justin ito.

Maituloy pa kaya niya ang plano niya bago siya umalis?

Masakit man sa kalooban niya na iwanan ang kanyang kaibigan na si Aaron, kinailangang magpaalam ng mabuti si Justin sa dalawa.

Ani ng alien, ito raw ang pinakamahirap niyang ginawa sa halos 400 taon niya sa planeta.

At para kay Stephanie, hiling ni Justin na sakaling hindi siya makabalik ay mabuting kalimutan na lang ng nauna ang matatamis nilang alala.

Matapos ang ilang taon, muling nakabangon si Stephanie mula sa kanyang heartbreak.

At sa isang hindi inaasahang pagkakataon, muling tumigil ang mundo ni Stephanie at nakitang nagbabalik si Justin sa piling niya.