GMA Logo Kat Ramnani ang Christian Bautista
Celebrity Life

Christian Bautista shares the struggles of being jobless at the time of pandemic

By Jansen Ramos
Published October 2, 2020 2:45 PM PHT
Updated October 2, 2020 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kat Ramnani ang Christian Bautista


Hangga't wala pa raw nakikita si Christian Bautista na "level of consistency" sa COVID-19 cases sa bansa, isasantabi muna nila ng kanyang asawang si Kat Ramnani ang kanilang baby plans.

Aminado si Christian Bautista na isang malaking pagsubok ang pandemya lalo na para sa kanya na isang man of the house.

Sa Nobyembre, magdadalawang taon na silang kasal ng kanyang asawang si Kat Ramnani, isang telecommunications executive.

Photo from Kat Ramnani's Instagram account

"Mahirap din sa 'kin dahil mas pressure ang napunta sa 'kin kasi I am a husband so suddenly the husband had no work. So I am blessed and thankful na my wife still has work, of course, 'cause she's in corporate," bahagi ng Kapuso singer/actor sa vitual media conference ng The Clash Season 3 noong September 30.

Nang magsimula ang lockdown, nabawasan ang shows ni Christian at panay online ang kanyang guesting.

Dahil dito, hindi naiwasan ng Asia's Romantic Balladeer na mag-isip ng ibang pagkakakitaan. Natutunan din daw niyang mag-invest para may madudukot kung magkaroon muli ng ganitong krisis.

"'Yung mga thoughts ko na dapat ba mag-farming ako, dapat ba sa corporate ako pumapasok, dapat ba meron kang ginawang side businesses long ago.

"So ang ginawa ko, ngayon na lang ako magsa-side business, ngayon na lang ako maghahanap kung ano pwede kong i-broker, anong pwede kong i-social media influence, paano 'ko kikita sa livestream, gagawa ba ko ng kanta, magpo-produce ba ko.

"It's really more of creating out of nothing, that's what I always say," saad niya.

Sa pagpapatupad ng less stricter quarantine measure na GCQ, unti-unti nang nagbabalik ang mga TV production na natigil sanhi ng COVID-19. Kaya naman laking pasasalamat ni Christian sa GMA Network sa pagbibigay ng trabaho sa kanya.

Kamakailan lang ay nagbalik-studio na ang All Out Sundays kung saan siya co-host at performer. Mapapanood din siya simula bukas, October 3, sa new season ng The Clash kung saan isa naman siya sa mga judge.

"Thank God kahit papa'no meron din namang pumapasok, even more thankful na meron na kaming All Out Sundays at The Clash na studio na.

"Also, thankful sa GMA na kahit na AOS Zoom, GMA also helped their artist. Meron silang pa-ayuda sa mga artists na kahit walang trabaho," ika ni Christian.

Marriage in the time of pandemic
Sa kabila ng financial difficulties, mas napagtibay daw nila Christian at Kat ang kanilang samahan ngayong pandemya dahil mas marami silang time sa isa't isa at mas marami silang time para magplano para sa kanilang future.

Sabi ng 38-year-old Kapuso star, "Mas maraming time to talk, of course, obviously, and pinaka-enjoy ko lang is time to eat together, napakaimportante siya.

"Kamustahan, mas maraming napag-uusapan about marriage, our future, actually mas maraming plans na nabubuo and how to adapt."

Dugtong niya, "I'm so sick of the word 'new normal,' pwede na sabihin natin normal pero how now to adapt to the normal.

"What do we do, how do we earn, what do we sell, what do we buy, what do we invest in.

"'Yung mga ganyang mga usapan na usually nangyayari after three, four, five years. Parang bumibilis ang mga plano n'yo. Ang hassle agad."

Ayon pa kay Christian, hindi ito ang panahon para mag-clash ang mga mag-asawa.

"Parang normal lang din naman kaming mag-asawa pero ang mas naiisip namin is to really work together," aniya.

"Now is not really the time to clash in a marriage, in a friendship, kasi ang hirap na ng buhay. Mag-aaway pa ba kayo kung bibili ng pagkain, or mali 'yung mga maliliit na bagay.

"It's not the time. Sa contest tayo mag-away, 'wag dito," biro niya.

No baby plans for now
This pandemic, maraming artista ang nabuntis. Pero para kay Christian, napagdesisyunan nila ni Kat na ipagpaliban muna ang pagsisimula ng pamilya hangga't hindi pa nila nakikita ang "level of consistency" ng COVID-19 cases sa bansa.

Paliwanag niya, "Merong mga families na nagkaroon din ng baby, of course, during the pandemic pero meron ding challenges, of course, na 'yung iba wala pang vaccine.

"Some people are okay going to hospitals, some people are still scared to go to hospital.

"The virus is still everywhere, the cases are still going up.

"So for now po muna siguro, 'di po muna namin pina-plan, as of the moment, until medyo nakakakita na kami ng level of consistency either sa rising cases.

"Kasi 'yung ibang bansa kaya naman, e. 'Yung ibang bansa habang wala pang vaccine, nababa nila, e. So kaya din natin 'yan, naniniwala ako.

"Pero ngayon medyo careful lang muna kami ni Kat."