
Fun and exciting ang bagong episode ng kiddie edition ng Family Feud. Ang Family Feud Philippines ay ang kauna-unahang franchise na nagkaroon ng kiddie contestants.
Ngayong Lunes (May 26), dalawang world-class junior dance groups na representative ng Pilipinas sa 2025 World Hip Hop Dance Championship sa Phoenix, Arizona ang maglalaro sa Family Feud. Survey hulaan muna ang kanilang gagawin bago ang kanilang competition sa darating na July.
Mula sa A-KIDZ, maglalaro ang 12-year-old Grade 8 student na si Skye Alexei Mendones; ang 11-year-old Grade 5 student na si Qarah Perez; ang 10-year-old Grade 5 student na si Zyrich Perez, at ang 11-year-old Grade 6 student na si Althea Castro.
Maglalaro naman sa Electro Groovers Jrs ang 11-year-old Grade 5 student na si Kate Hillary Tamani; ang 8-year-old incoming Grade 3 student na si Graciella Zakzih Flojo; ang incoming Grade 5 student na si Natania Beatriz Guerrero, at ang 11-year-old incoming Grade 7 student na si Jemmriolen Ricablanca.
Bukod sa kanilang pagalingan sa Family Feud, magpapakita rin sila ng kanilang husay sa pagsayaw sa Lunes.
"May Panalo Rito" sa Family Feud kaya tutok na Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.